Wednesday Mar 25, 2009  0

Gabi ng Pag-ibig

Ako’y nakatingala sa buwan
at sa mga tala ng pag-ibig.
Boses mo’y aking naulinigan
sa awit ng hanging kay lamig.

Aking nasilayan ang iyong mukha
na nakaguhit sa alapaap;
At tila ako’y napapaluha
sa alaala ng iyong sulyap.

Di ko makaligtaang isipin,
ang pag ibig na ating taglay;
Simula sa pagtatakip-silim
hanggang sa pagbubukang-liwayway.

Dahil ika’y aking iniibig
Isang bagay na ‘di madadaig.

  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Google Bookmarks
  • email
  • Technorati
  • Twitter

Leave a Comment

Previous post:

Next post: